top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Publiko, makiisa sa paglaban sa ilegal na paputok

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 23, 2024
  • 1 min read

by Info @Editorial | Dec. 22, 2024



Editorial

Sa nalalapit na Bagong Taon, kasabay nito ang masigasig na pagbabantay ng Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine National Police (PNP) laban sa pagbebenta ng mga ilegal na paputok.


Ang hakbang na ito ay hindi lamang para sa kaligtasan ng mamamayan kundi para rin sa pagbibigay-proteksyon sa mga lehitimong negosyante ng paputok.


Sa pangunguna ng Fair Trade Enforcement Bureau ng DTI, ipinahayag ng isang opisyal na handa silang maglabas ng cease and desist orders laban sa mga manufacturer ng ilegal na produkto. Ang ganitong hakbang ay tugon sa hinaing ng mga legal na gumagawa ng paputok na lubos na naapektuhan ang kita dahil sa talamak na bentahan ng uncertified products.


Ang matibay na ugnayan ng DTI, PNP, at mga lokal na pamahalaan ay mahalaga upang matukoy at masawata ang mga mapanganib na produktong ito. Sa ilalim ng batas, kailangang tiyakin ang seguridad ng publiko, lalo na’t maraming insidente ng pinsala at sunog ang dulot ng ilegal na paputok. Bukod dito, ang pagtatakda ng designated areas para sa legal na pagbebenta ay isang hakbang na makakatulong upang maiwasan ang anumang aberya.


Subalit, hindi sapat ang kampanya ng pamahalaan kung wala ang kooperasyon ng publiko. Kailangang magkaisa ang bawat isa upang isulong ang ligtas at masayang pagdiriwang ng Bagong Taon. Makiisa tayo sa laban kontra ilegal na paputok para sa kaligtasan nating lahat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page