top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Publiko, kasama rin sa pagtukoy ng mga walang ‘K’ sa 4Ps

BULGAR
Jul 23, 2022
2 min read

@Editorial | July 23, 2022


Patuloy ang pagsusuri sa mga karapat-dapat at maging sa mga wala nang ‘K’ o karapatan na mapabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Inaasahang ilalabas ang listahan ng mga bagong benepisaryo at natanggal mula sa 4Ps sa Setyembre o Oktubre ngayong taon.


Ang mga natanggal mula sa listahan ay ang mga pamilya na wala ng anak na edad 18 pababa o nag-aaral, ang mga kumikita ng P12,000 pataas kada buwan, ang mga nakaabot na ng 7-year duration ng programa, ang mga non-compliant o lumabag sa mga kondisyon sa ilalim ng 4Ps at ang mga inurong ang kanilang membership.


Sa kasalukuyan, nasa proseso na ng pag-validate sa listahan ng 1.3 milyong benepisyaryo na ngayo'y itinuturing na non-poor at hindi na kwalipikadong makatanggap ng cash aid mula sa gobyerno. Samantala, ang mababakanteng slots ay ibibigay naman sa mga bagong aplikante na nasa waiting list.


Una nang inihayag na aabot sa 2 milyong benepisaryo ang matatanggal mula sa listahan ng 4Ps.


Napakalaking tulong ng ayudang ito, lalo na kung mapupunta sa mga tunay na pinakamahihirap. Maraming pangarap ang matutupad at kalaunan, maraming pamilya ang aahon sa hirap at magiging dagdag-lakas ng bayan para rin sa mas maayos at maunlad na pamumuhay.


Kaya mahalagang bagay na mailalantad ang listahan ng 4Ps. Sa pamamagitan nito ay magiging kabahagi ang publiko sa pagtukoy kung talagang karapat-dapat na mapabilang ang isang pamilya sa mga aayudahan. Maliit lang ang isang barangay o lugar para hindi matukoy ng isa’t isa kung sino ang mga talagang naghihirap at mga nakakaluwag-luwag naman sa buhay.


Samantala, umaasa rin tayo na mas marami pang programa ang mabuo bilang suporta sa lahat, hindi lang sa pinakamahihirap, kundi maging sa mga kumikita nga, pero sapat lang para sa pamilya. Hindi maitatangging sa mataas na presyo ng mga bilihin, hindi na uubra kung isa lang ang nagtatrabaho sa pamilya. Sana, may magbukas na oportunidad para magkaroon ng dagdag na mapagkakakitaan.


‘Ika nga, ito na ang pagkakataon para makabawi at mangyayari ito kung magtutulungan ang taumbayan, ang pamahalaan at ang mga nasa pribadong sektor. Sa huli, lahat naman ay makikinabang kapag maunlad ang bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page