top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

PSA Online Forum: GAB at mga hakbangin ng PHILTA, aalamin

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2020
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 15, 2020





Mga suliranin na bumabalot sa Philippine Tennis Association (PHILTA) ang tatalakayin ngayong Martes sa pagpapatuloy ng lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Online Forum. Haharap sa mga mamahayag ang mga pangunahing opisyal na sina Presidente Atty.Antonio Cablitas at Bise-Presidente Martin Misa.


Kamakailan ay pinatawan ang Pilipinas ng dalawang taong suspensiyon ng International Tennis Federation (ITF). Bunga nito, hindi muna makalalaro ang mga Pinoy sa mga pandaigdigang torneo tulad ng Davis Cup.


Malalaman ang mga hakbang na ginagawa ng PHILTA upang maalis ang suspensiyon. Pag-uusapan din ng mga opisyal ang iba pang mga plano ng samahan para sa 2021.


Maghahatid din ng ulat si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham Mitra tungkol sa matagumpay na pangalawang edisyon ng Philippine Professional Sports Summit na ginanap online noong Disyembre 5. Ilalahad ang mga napulot na aral sa pagpupulong na dinaluhan ng mahigit 200 atleta at opisyal.


Nakinig ang lahat sa mga talumpati na hatid ng mga dalubhasa sa kanilang larangan. Naghain din ng ulat ang mga kinatawan ng mga ligang propesyonal at mga indibidwal na atleta tungkol sa estado ng kanilang sport. Mapapanood ng live at buo ang PSA Forum sa opisyal na Facebook ng PSA at sa Radyo Pilipinas 2 simula 10:00 ng umaga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page