top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Proud na ipinagyabang sa socmed… KC, KILIG TO DEATH NA PINADALHAN NG ROSES NG MANLILIGAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2020
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 2, 2020




Habang "abalang-abala" si Megastar Sharon Cuneta sa pagtatanggol sa kanyang mister na si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan at anak na si Frankie Pangilinan, heto naman ang panganay na anak niyang si KC Concepcion na buong-pagmamalaking ipinost sa Instagram noong Martes ang piktyur ng ipinadala sa kanyang isang pumpon ng mga red and white roses.


Eto ang caption ni KC sa natanggap niyang white and red roses, "Nakakakilig naman kasi ang fresh, red roses talaga... Nakaka-happy din and nakaka-boost ng mood talaga. Choose happy."


Hindi ini-reveal ni KC kung sino ang nagpadala sa kanya ng mga roses at wala rin siyang ibinigay kahit isang clue kung kanino ito galing.


Pero ang mga followers sa IG ni KC, nagkani-kanya na ng hula kung sino ang nagpadala ng bulaklak.


"Excited na akong malaman if sino ba siya."

"Kumukulay na ulet ang paligid."

"Hello idol, wish ko sana kayo ulit ni Piolo."

"Kay pj (Piolo) ba galing 'yan, Tina?"


May nag-comment na galing sa bagong manliligaw ni KC ang mga bulaklak. So far, ang lantad sa ngayon na suitor ni KC ay ang international singer na si Apl.de.ap. Kung sa kanya nga galing ang mga bulaklak, mukhang dead serious na siya sa panliligaw kay KC, huh?!


Bumigay naman na kaya sa kanya si KC?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page