top of page

Kabataang nasa online-gaming community, nire-recruit sa terror attack, bantayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | March 15, 2026



Editoryal, Editorial


Nakababahala ang pagkakasagip sa pitong menor-de-edad na kasapi ng isang online gaming community na umano’y nire-recruit upang makilahok sa isang terror attack. 

Mabuti na lamang at agad itong natunton ng mga awtoridad bago pa ito mauwi sa mas malalang trahedya.


Ipinapakita ng insidenteng ito ang isang seryosong problema: ang paggamit ng internet at online games bilang paraan ng panghihikayat sa kabataan. Dahil madalas na nasa online na mundo ang mga kabataan, nagiging madali para sa masasamang grupo na lapitan at impluwensiyahan sila.


Hindi dapat maliitin ang ganitong banta. Ang mga menor-de-edad ay madaling maimpluwensiyahan, lalo na kung kulang sa gabay at kaalaman tungkol sa panganib ng internet. Kaya mahalagang mas paigtingin ang pagbabantay ng pamahalaan, paaralan, at lalo na ng mga magulang sa online activities ng mga kabataan.


Ang kasong ito ay paalala na ang internet ay hindi lamang lugar ng libangan. Maaari rin itong maging daan ng panganib kung hindi gagamitin nang responsable at walang sapat na paggabay. 


Ang kaligtasan ng kabataan ay responsibilidad ng buong lipunan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page