Proteksiyon ng mga health worker, walang pagbabago
- BULGAR

- Jul 20, 2020
- 2 min read
ni Twincle Esquierdo | July 20, 2020

Ayon sa grupo ng mga nars, halos wala raw pagbabago na ginagawa para maprotektahan ang mga health workers laban sa pagsugpo ng COVID-19 nitong Linggo.
Sa isang panayam sinabi ni Filipino Nurses United (FNU) president Maristela Abenojar ang ilang mga nars ay nagtratrabaho ng halos 24 oras para asikasuhin ang halos 12 na pasyente at sila rin ang bibili ng mga sarili nilang personal protective equipment (PPE).
“Sa totoo po naman, ang kalagayan sa kanilang lugar-paggawa ay hindi nagkaroon ng pagbabago simula pa noong February kung saan nagsimula ang cases ng COVID-19,” aniya
Ayon pa dito kulang ang mga PPE para sa mga health workers gimagamit mila sa loob ng 12 oras matapos nito ay kailangan nilang magpalit ng panibagong PPE para sa susunod na shift.
Ikinalulungkot din niya umano na “prolonged exposure” ang ilang mga nars sa COVID-19 dahil sa pagtratrabaho ng 12 oras.
Ilan rin mga ospital ay kulang sa mga emplayado kahit nagsabi na ang DOH ng emergency hiring program.
“Wala naman pong binabanggit na bilang ng deployed DOH personnel galing do’n sa emegency hiring so nananatili pa rin silang understaffed. So ang ratio ng ating nurse sa pasyente sa COVID ward, nasa isang nurse, pinaka-minimum pito o walong pasyente, ‘yung iba hanggang 12,”
“Nakaka-demoralize rin ang ganitong kalagayan kasi bukod sa may takot ka na baka ikaw ma-infect at maaari mo itong ikamatay, nando’n din ‘yung walang appreciation sa ating mga nurses,” aniya
Inihayag din na ang ilang ospital ay hindi binigyan ng 14 day quarantine ang mga nars matapos ang 1 hanggang 2 linggong nagtratrabaho.
Aniya, “‘Yung dating 14 days, ngayon sa ibang ospital… seven days na lang ngayon, ‘yung iba five days, ‘yung iba wala nang quarantine days. Parang normal duty na walang COVID-19,”
Sa ngayon sa tala ng DOH ang kabuuang bilang ng mga health workers na apektado ng COVID-19 ay nasa 3,899.
Sa kabuuang bilang 3,165 ang mga naka-recover, 35 ang namatay at 1,000 ay mga nars.





Comments