top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Produktong naka-sachet, malamang tataas ang presyo, hmmm…

BULGAR
Jul 17, 2022
1 min read

@Editorial | July 17, 2022


Kapag natuloy ang pagbubuwis sa mga single-use plastic, posibleng tumaas ang presyo ng mga produktong nakalagay sa sachet.


Kabilang sa mga maaapektuhan ay ang mga pagkain o sangkap na kinukonsumo sa araw-araw. Ito 'yung mga nakalagay sa sachet na pawang single-serve quantities na mas mura kumpara sa mga full-sized packs.


Bagay na sinasabing indirect taxing sa mga mahihirap.


Batid naman natin na may mga wala namang sapat na kakayahang makapamili nang biglaan dahil sa limitadong budget. Mayroon paisa-isa ang bili depende sa pangangailangan sa mismong araw. Kaya kung tataas ang buwis sa single-use plastic na hindi malayong mag-domino effect sa produkto, tiyak na kamot-ulo na naman ang publiko.


Halos bayad-utang na nga rin ang sistema ng marami, tataas pa ang presyo, ano nang mangyayari?


Matatandaang isinusulong ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno ang pagbubuwis sa mga single-use plastic hindi lamang para labanan ang climate change at para na rin makalikom na dagdag-pondo ang gobyerno.


Sana, may iba pang paraan na parehong hindi malalagay sa alanganin ang mga negosyante at mamimili at siyempre ang ating kalikasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page