Producer ng songs ng grupo, nagsalita na… BINI, NAGBAYAD DAW SA COACHELLA PARA MAKAPAG-PERFORM
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Evy Baldago (OJT) @Special Article | June 17, 2026

Photo: BINI PH
Nilinaw na ng award-winning music producer ng mga kanta ng BINI na si Jonathan Manalo, ang usap-usapang binayaran umano ng management ng nation’s girl group ang Coachella para makapag-perform ang grupo sa prestihiyosong music festival.
Sa halip na umiwas sa isyu, diretsahan itong sinagot ni Manalo.
“BINI ang binayaran,” aniya.
Ayon sa producer, mismong organizers ng Coachella ang unang lumapit at nagpadala ng imbitasyon sa Nation’s Girl Group. Dumaan lamang umano ito sa ilang confidential na proseso bago natuloy.
Ibinunyag din niya na sina Direk Lauren Dyogi at Roxy Liquigan ang unang nakaalam tungkol sa naturang imbitasyon.
Para naman sa BLOOMs, ang Coachella performance ay patunay na nagbunga ang pagsisikap at sakripisyo ng walong miyembro ng grupo.
Matatandaang noong Abril ay gumawa ng kasaysayan ang BINI bilang kauna-unahang Filipino girl group na nagtanghal sa Coachella.
Dinagsa ng matitinding komento online si Miss Earth 2016 Imelda Schweighart matapos magtanong sa Facebook tungkol sa P-pop group na SB19.
“Is SB19 LGBTQIA+ representation? I don't wanna assume. Please enlighten me,” saad niya sa kanyang post.
Dito nagsimula ang mainit na diskusyon, lalo na nang ipaliwanag ni Imelda na naisip niya ang tanong matapos makakita ng SB19 display sa isang mall.
Ayon sa kanya, napaisip siya kung paano ipaliliwanag ng mga magulang sa kanilang mga anak ang mga ganitong bagay kapag sila ay nagtanong.
“I was at Megamall... a thought popped my mind! And I put it on a status to bring awareness to fellow moms probably? That if children ask, we know what to answer, we know how to educate,” paliwanag niya.
Hindi naman ito nagustuhan ng maraming netizens, na agad kumuwestiyon kung bakit kailangang iugnay ang sexuality ng grupo sa usapin ng “pagkalito” ng mga bata.
Bumaha tuloy ng kritisismo sa comment section, kung saan may ilan pang nagsabing hindi na dapat ginagawang isyu ang gender expression o hitsura ng mga miyembro ng SB19.
Sa kabila nito, ipinagtanggol ni Imelda ang sarili at iginiit na nagtatanong lamang siya at hindi nananakit o nanghuhusga.
Hanggang ngayon, usap-usapan pa rin online ang naging pahayag ng beauty queen, lalo na dahil sa pagiging sensitibo ng usapin tungkol sa gender at sexuality.





Comments