top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Problemado dahil may asawa… nagloko at nabuntis ang kalaguyong nasa Korea

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 1, 2023
  • 2 min read

ni Sister Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig | May 1, 2023



Dear Sister Isabel,


Magandang araw sa inyo.


Nais ko humingi ng payo, may gumugulo sa isipan ko mula nang umuwi ako rito sa ‘Pinas.


Galing ako sa Korea at may nakarelasyon akong Pinay nang biglang dumating ang kalbaryo sa buhay ko. Buntis siya at ako umano ang ama, bago ako umuwi ay nabuntis ko na raw siya.


Ang usapan naming ay hanggang du’n lang ang relasyon namin, at ‘pag nakauwi na ako sa Pilipinas ay kani-kanya na kami, pero ngayon ay ayaw niya akong tantanan dahil anak ko umano ang kanyang nasa sinapupunan.


Nalaman ng asawa ko ang nangyari at galit na galit siya, hindi ko malaman ang aking gagawin. Isa pa, hindi ako naniniwalang anak ko ang pinagbubuntis niya.


Ano ang dapat kong gawin sa problemang kinahaharap ko ngayon? Nawa’y matulungan niyo ako, Sister Isabel.

Umaasa,

David ng Batangas


Sa iyo, David,


Ano pa nga ba ang dapat mong gawin kundi harapin ang problema nang may buong katalinuhan at kapayapaan ng isipan.


Nar’yan na ‘yan, makipag-usap ka nang maayos sa nabuntis mo. Kung talagang sa iyo ang dinadala niya, tulungan mo siyang itaguyod ito, pero kung hindi ay huwag ka na niyang guluhin pa dahil maliwanag ang usapan niyo na hanggang Korea lang ang relasyon niyo, at alam naman niya na may asawa ka na.


Magpa-DNA test na rin kayo para maliwanag kung sa ikaw nga ba ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Kung sakaling hindi, magpasalamat ka at wala kang pananagutan, ngunit kung ito ay mag-positive, magpakalalaki ka at sustentuhan mo ang iyong magiging anak. Sa ganu’ng paraan, ‘di ka makakarma.


Tungkol naman sa ina ng bata, hilingin mo na bigyan ka niya ng katahimikan sa piling ng iyong pamilya. Balang-araw ay makakatagpo rin siya ng tunay na lalaking itinadhana sa kanya ng Maykapal.


Hanggang dito na lang, umaasa ako na naliwanagan ka sa payo ko. Hangad ko ang kapayapaan at kaligayahan ng iyong isipan. Alalahanin mo na ang bawat problema ay may kalutasan, lahat ay dadaan at lilipas.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page