top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Problema sa droga, talagang hindi biro

BULGAR
Apr 29, 2022
1 min read

@Editorial | April 29, 2022


Patuloy ang paglaganap ng ilegal na droga.


Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na nanguna sa War on Drugs ay aminadong malala talaga ang sitwasyon.


Mali umano siya sa pag-aakalang matatapos ang problema sa ilegal na droga sa bansa sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.


Aniya, mahirap resolbahin ang problema sa droga dahil mahirap matunton ang mga drug lord.


Pag-amin ng Pangulo, panahon ng kampanya noong 2016 kaya payabangan nang masambit na kayang maresolba ang naturang problema sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan. Pero nang maupo na aniya siya sa puwesto at buksan ang records ng Philippine National Police (PNP), laking gulat nang makita na anim na police generals ang dawit sa ilegal na droga.


Hangga't may nakakalayang drug lord, supplier, pusher, na pinoprotektahan ng mismong mga taga-gobyerno, mananatiling kanser sa lipunan ang drugs. Laging may banta ng krimen at pang-aabuso sa lahat ng bagay, para itong kanser, palala nang palala.


Kaya sa mga susunod na lider, magkaroon sana sila ng mas matinding paraan kung paano ito masusugpo.


Kasabay ng droga ay ang pagbagsak ng bayan. Pinapatay nito ang kinabukasan ng mga kabataan. Ito rin ang humahadlang sa pag-unlad ng bayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page