Private resort sa GenSan, idinispley daw para sa mga fans…
- BULGAR

- Jul 28, 2020
- 1 min read
JINKEE: 'DI AKO NAGYAYABANG, REQUEST N'YO 'TO!
ni Nitz Miralles - @Bida | July 28, 2020

May maiba-bash na naman kay Jinkee Pacquiao dahil sa ipinost nitong private beach house tour sa GenSan. Ang laki ng property ng mga Pacquiao at kita ito sa aerial shot gamit ang drone. May photo ng swimming pool pa kaming nakita.
May nag-comment din kung tapos na ba ang tennis court sa nasabing private resort.
Post ni Jinkee, “Ngayon nandito tayo sa aming private resort. Ipapakita ko naman sa inyo ang first private resort namin ng buong family. Sa lahat ng nagtatanong, ito na ‘yun. I am not bragging for anything na meron kaming ganito, request n'yo naman ito, so i-tour ko kayo dito,” sabi nito sa kanyang vlog.
Sa tour, ipinakita ni Jinkee ang mga villas, rooms, gazebo, hall, at pool area nga. Kuwento pa ni Jinkee, seven years na itong ginawa at ngayon lang yata niya nai-share sa mga tao dahil ini-request ng mga netizens. Nilinaw din nitong hindi pagyayabang ang ginawa niyang tour sa kanilang private resort.
Para makaiwas sa mga bashers, naka-set sa “comments on this post have been limited” ang post ni Jinkee, kaya sorry na lang sa mga gustong mang-bash, hindi kayo welcome.





Comments