top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Presyo ng mga bilihin at serbisyo, umaalagwa na naman

BULGAR
May 6, 2022
1 min read

@Editorial | May 6, 2022


Pumalo sa 4.9 percent ang inflation ng Pilipinas nitong Abril 2022, ayon sa Philipline Statistics Authority (PSA).


Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng mga pangkaraniwang bilihin at serbisyo.


Bilang tugon, doble-kayod na umano ang Palasyo para tugunan ang inflation ng bansa sa pamamagitan ng pagtutok ng ating economic team.


Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay masasabing bahagi ng tinatawag na ‘domino effect’ na nagsimula sa pagtaas ng presyo ng petrolyo na mula naman sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng nagaganap na giyera sa ibang bansa at ang kasalukuyang pandemya dahil naman sa COVID-19.


Kaya napakalaking bagay na ang ating mga kinatawan sa gobyerno ay maalam sa pagharap sa mga ganitong problema. Paano nila sasabayan ang mga sitwasyon na hindi makokontrol lalo na ng mga bansa hindi naman kasing yaman ng iba. Paano nila mabibigyan ng alternatibong paraan na maka-survive ang mamamayan. Paano nila masisiguro sa taumbayan na kakayanin nating maitawid ang bawat araw nang hindi tuluyang mawawalan ng kabuhayan.


Bagama’t hindi masamang pangitain ang pagtaas ng presyo, masasabing timing pa rin para mas makapag-isip ang mga Pinoy partikular ang mga botante kung sino ba ang mga mas karapat-dapat sa gobyerno. Hindi dapat basehan ang matatamis na salita o abot-langit na pramis.


May ilang araw pa para pag-isipan ang ating mga pipiliin sa balota. Dapat ay silang mga kaagapay natin sa pag-ahon mula sa kahirapan at kasabay nating humaharap sa mga ‘di inaasahang problema.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page