Presyo ng LPG, tataas ngayong Oktubre

ni Jasmin Joy Evangelista | October 1, 2021

Magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas ngayong Oktubre.
Ayon sa Petron, magpapatupad sila ng P4 taas-presyo sa kada kilo ng LPG at P2.24 sa kada litro ng auto-LPG simula 12:01 ng hatinggabi ngayong Biyernes, Oktubre 1.
Pagdating naman ng Oktubre 8, muli itong tataas nang P3.40 kada kilo ng LPG at P1.90 ang kada litro ng auto-LPG.
Inaantabayanan pa ang anunsiyo ng ibang kompanyang nagbebenta ng LPG hinggil sa kanilang price adjustment.
Ayon sa mga taga-industriya, malaki ang pagtaas ng presyo ng LPG dahil nagtaas din ang international contract price nito.
Posible rin daw na sa Marso ng susunod na taon pa humupa ang presyo ng imported na LPG.





Comments