Presyo ng ham at lechon, nasimula nang tumaas
- BULGAR

- Dec 6, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | December 6, 2021

Nagtaas na ang presyo ng ham at lechon dahil mataas na ang demand ngayong papalapit na ang Kapaskuhan at dahil sa African swine fever.
Ang presyo ng bone-in ham sa Quiapo ay nagtaas na ng P20, mula P1,580 ay P1,600 na ito.
Samantala, stable naman ang presyo ng ibang ham products tulad ng Chinese ham na nagkakahalagang P1,540; de-boned ham - P1,460; scrap ham - P1,440.
Ang presyo naman ng lechon ay tumaas ng P500, kung saan sa La Loma ay nagkakahalaga ito ng P6,500 hanggang P15,000 depende sa size. Dati ay nasa P6,000 hanggang 10,000 lamang ito.
Samantala, batay sa datos mula sa Department of Agriculture (DA), ang presyo ng pork ham ay nasa average P330 per kilogram, at pork belly na P360.00 sa Metro Manila as of December 2, 2021.





Comments