top of page
Search
  • BULGAR

Presyo ng bilihin at serbisyo, delikado sa non-stop oil price hike

@Editorial | October 20, 2021



Sumirit na naman ang presyo ng petrolyo, ito na ang pangwalong magkakasunod na pagtaas.


Kamot-ulo na naman ang mga tsuper habang kabado rin ang mga komyuter na baka magtaas na ang pasahe.


Halos dalawang piso ang dagdag-presyo sa kada litro gasolina, P1.50 naman sa diesel at P1.30 sa kerosene.


Isa sa mga dahilan nito ay ang presyo umano mula sa pandaigdigang pamilihan.

Kaugnay nito, itinutulak na ng Department of Transportation (DOTr) na mabigyan ng ayuda ang mga drayber ng mga pampublikong sasakyan at maging sa mga mananakay.


Tuluy-tuloy umano ang pakikipag-ugnayan ng DOTr at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa Department of Energy (DOE) para magbigay ng suhestiyon kung paano maiibsan ang epekto ng non-stop oil price hike sa operasyon ng mga Public Utility Vehicles (PUVs).


Bukod sa fuel subsidy, inaanyayahan din ng kagawaran ang mga tsuper na lumahok sa service contracting program, kung saan babayaran sila ng gobyerno sa kada kilometro na kanilang itinakbo.


Bago pa man mangyari ang domino-effect, sana'y may diskarte na ang gobyerno. Batid naman natin na 'pag tumaas pa ang presyo ng gas, susunod ang bilihin at serbisyo.


Halos ngayong pa lang tayo bumabawi sa ekonomiya na pinadapa ng pandemya.


Kaya pakiusap sa mga namamahala, magawan sana ng paraan na hindi tayo madale ng mga pagtataas na 'to. Kung may sapat na ayuda ibigay na, kung may mga programa na makakatulong, gawin na.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page