Preso tumakas mula sa Biliran Provincial Jail
- BULGAR

- Dec 7, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | December 7, 2021

Nakatakas ang isang inmate sa Biliran Provincial Jail nitong Lunes nang madaling araw.
Kinilala ang preso na si Carmelito Abia.
Base sa impormasyon mula sa Police Regional Office 8, nakatakas si Abia alas 12:30 ng madaling araw mula sa naturang bilangguan.
Umakyat umano sa pader sa likod na bahagi ng kulungan ang preso para makatakas.
Kasalukuyan pang tinutugis ng mga awtoridad ang bilanggo.
Si Abia ay mayroong kasong rape, na mula sa bayan ng Kawayan, Biliran.





Comments