top of page
Search
  • BULGAR

Presidenteng nagpramis sa China na tatanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, sino kaya?

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 20, 2023


SINO KAYA KINA EX-PRES. GLORIA AT EX-P-DUTERTE ANG NAG-PROMISE SA CHINA NA AALISIN ANG BRP SIERRA MADRE SA AYUNGIN SHOAL? -- Ayon kay former Defense Sec. Orly Mercado ay si former Pres. Joseph Estrada ang nagpadaong ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal para ipamukha sa China na sakop ito ng West Philippine Sea (WPS) kaya’t fake news ang idinaldal ni former Presidential Spokesman Bobby Tiglao na si Erap ang nangako sa China na ipapatanggal ito (BRP Sierra Madre) sa Ayungin Shoal, at tiyak na lalong hindi si former Pres. Noynoy Aquino dahil nga siya ang nagsampa ng arbitration case laban sa China na napagwagian ng Pilipinas kaya kinikilala ng United Nations (UN) na ang West PH Sea ay pag-aari ng Philippines.


Kaya’t kung totoo ang sinabi ng China na may presidenteng nangako sa kanila na tatanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, alin ‘yan sa dalawang former presidents, kundi si ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo, ay malamang si ex-P-Duterte, boom!


◘◘◘


SA KABILA NA POOR COUNTRY ANG ‘PINAS NAGAGAWA PA NG MGA TRAPO NA KUMUHA NG PAGKALALAKING CONFI AT PORK BARREL FUNDS SA NATIONAL BUDGET -- Ang Pilipinas ay bansang nasa kategoryang third world country o mahirap na bansa dahil ang halos kalahati ng mamamayang Pinoy ay mahihirap o maralita.


Ulitin natin ha, mahirap na bansa lang ang Pilipinas, pero ang mga lintek na trapo (traditional politician) eh ang feeling rich na bansa ang Philippines, kasi yearly ay nakakalula sa laki ang kinukuha o pinagpaparte-partehan nilang confidential at pork barrel funds sa national budget, mga buset!


◘◘◘


KAPAG LAGING MGA TRAPO, IBINOBOTO NG MGA BOBOTANTE HUWAG NANG UMASA ANG MGA MARALITA NA AASENSO PA ANG KANILANG PAMUMUHAY -- Walang ibang dapat sisihin sa patuloy na paghihirap ng ‘Pinas kundi ang majority ng bobotanteng Pinoy.


May mga darating pa namang halalan, at kung hindi magbabago sa uri ng pagboto ang mga bobotante at laging mga trapo ang kanilang iluluklok sa kapangyarihan, at lagi nilang inire-reject ang mga matitinong kandidato, ay huwag na umasa ang maralitang Pinoy na aasenso pa ang kanilang mga pamumuhay, period!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page