top of page

Positibo sa COVID-19, sign na magkakatrabaho na ulit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2020
  • 1 min read

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | August 20, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Ismael na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Napanaginipan kong nagpa-test ako sa COVID-19, tapos positive ako kahit wala naman akong nararamdaman na kahit ano. Ano ang kahulugan nito?


Naghihintay,

Ismael


Sa iyo Ismael,


Siguro, medyo natatakot ka ngayon dahil kung positive ka nga sa COVID-19, nenerbiyusin ka nang todo.


Pero huwag kang mag-alala dahil sa totoo lang, ang lahat naman ay iniisip na kapag sila ay nagpa-test, puwede silang maging positive dahil mukhang hindi na kontrolado ng pamahalaan ang paglaganap ng sakit na ito, kumbaga, nasa isip lang naman ang ganu’n. Kaya lang, ito rin ang dahilan kaya takot na magpa-test ang marami. Gayunman, ang magandang balita ay mas marami ngayon ang may COVID-19, pero malakas at wala silang anumang nararamdamang sintomas.


Normal ang buhay nila at umiikot ang mundo na parang wala namang mga problema. Ang mas mahirap, kapag nagpa-test at positive, rito na magsisimulang matakot at hindi na maging normal ang buhay.


Mahirap man tanggapin, ang COVID-19 ay kasama na natin. Nasa mga barangay na at kabayanan, siyudad at maging sa pasyalan. Ang maganda naman ay ang mahina na ito at bibihira na ang nagkakaroon ng malalang COVID.


Sa iyong panaginip, makikitang magkakatrabaho ka nang muli. Welcome na kaganapan ito dahil ngayon, napakahirap ng walang pagkakakitaan.


Gayundin, sa iyong panaginip na positive ka, ito ay nasa isip mo lang naman, ibig sabihin, sa tunay na buhay ay wala ka ng sakit na ito.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page