Search
  • BULGAR

PNP at AFP, nagkabarilan sa Jolo, Sulu

ni Lolet Abania | June 29, 2020




Nagkabarilan ang mga miyembro ng mga pulis at sundalo sa checkpoint sa Sulu, ngayong hapon.


Patay ang apat na sakay ng SUV matapos na makipagbarilan sa mga pulis na nakatalaga sa PNP checkpoint sa Barangay Bus-bus, Jolo, Sulu.


Ayon sa AFP Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, ang mga sundalo ay miyembro ng Armed Forces of the Philippines. Namataan ng Sulu Drug Enforcement Unit at mga pulis ang SUV na sakay ang mga sundalo kaya hinarang nila ito. Hindi kumbinsido ang pulisya sa paliwanag ng mga sundalo kaya inimbitahan nilang magtungo ang mga ito sa police stations sa Jolo. Nang makarating sa istasyon ang SUV, biglang pinaandar ang saksakyan patungong Brgy. San Raymundo, kaya agad na hinabol ng mga pulis.


Gayunman, bumaba ang apat na sundalong sakay ng SUV, dala ang kanilang mga baril at itinutok sa mga pulis.


“However, before they could pull the trigger, the PNP personnel were able to shoot them in defense, thus an exchange of gunfire ensued which resulted to the death of the four,” ayon sa ulat.


Ayon pa kay Sobejana, hindi malinaw ang dahilan nang pagpapaputok ng mga pulis sa mga sundalo. Hiniling rin niya sa National Bureau of Investigation na magsagawa ng pagsisiyasat sa insidente.


Gayundin, nagpahayag si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng kalungkutan sa nangyaring engkuwentro, subalit tumanggi itong magbigay ng komento.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.