top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Planong pagsasara ng negosyo, mas oks dahil sa abroad uunlad

BULGAR
Mar 1, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | March 1, 2022



KATANUNGAN

  1. Kasalukuyan kaming may negosyo na internet café, pero mula nang magka-pandemya ay nagkandalugi-lugi kami, kaya balak na namin itong isara. Bukod pa rito, mula nang tumao ang mister ko sa puwesto namin ay naadik na rin siya sa gaming at nagkaroon pa siya ng mga babae. Sa ngayon ay hindi ko na siya pinapupunta sa puwesto ‘pag hindi ako kasama, kaya kumuha na lang kami ng tauhan, na lalong nagpalaki ng gastos namin.

  2. Naisipan kong kumonsulta sa inyo, Maestro, upang malaman kung dapat ko na ba itong isara at kung oo, ano ang bagay na negosyo sa aming mag-asawa?

  3. May aplikasyon din kami bilang immigrant sa Canada, naru’n kasi ang kapatid kong nakapag-asawa ng Canadian citizen at siya ang tumutulong sa amin. May pag-asa ba kaming mag-anak na makapag-abroad at du’n na lang din ako magtatrabaho dahil pareho naman kaming tapos ng mister ko ng kursong Accountancy?

KASAGUTAN

  1. Dahil nalulugi na ang inyong internet café at maaaring nagpapaluwal ka na sa nasabing negosyo at maari ring dahil nagpapaluwal ka ay nabaon kayo sa mga pagkakautang, samakatuwid, ang pinakamabuti pa ring magagawa ay ang binabalak mo na isara ang inyong negosyo, habang pagbutihin n’yo ang pag-a-apply bilang immigrant sa Canada.

  2. Ang birth date na July 2 ni mister at May 25 ka naman ay nagsasabing, sa tulong ng kapatid mong nagtataglay ng strong number na tulad ng 1, 10, 19, 28, 8, 17 o 26, sa ibang bansa kayo higit na susuwertehin, uunlad at magiging maligaya, na madali namang kinumpirma ng kapwa mahaba at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanang palad n’yo ni mister.

  3. Ang pag-aanalisang makapag-a-abroad ang buong mag-anak ay pinatunayang muli ng iyong lagda at lagda ni mister na bagama’t simple ay kitang-kita naman ang umaalon at tumataas na mga guhit. Ibig sabihin, ngayon pa lang ay nasasagap na ng unconscious n’yong isipan ang nalalapit na pangingibang-bayan.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa inyong mga datos, Edralyn, tulad ng nabanggit, tama ang iniisip mong isara na ang computer café bago kayo tuluyang malugi at mabaon sa utang. At ang dapat n’yong tutukan sa kasalukuyan ay ang pag-a-apply bilang immigrant sa Canada. Sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap sa taong 2023 o 2024, isa-isa nang makapag-a-abroad ang buong pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page