ni Eli San Miguel @News | Nov. 26, 2024
Photo: Lucas Bersamin at Rodrigo Duterte - RTVM / HOR
Inihayag ng Malacañang na hindi katanggap-tanggap ang pagpapabagsak sa isang nakaupong presidente sa pamamagitan ng karahasan upang makuha ang pinakamataas na posisyon sa bansa.
Ito'y nagsilbing tugon sa mga pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang akusasyon na pinagtatangkaan ng kanyang nagdaang administrasyon na ilagay ang kanyang anak na si Bise Presidente Sara Duterte sa pagka-pangulo.
"Hindi katanggap-tanggap ang marahas na pang-aagaw ng kapangyarihan upang madaling maluklok bilang pangulo sa pamamagitan ng pagpaslang, panggugulo at pag-aalsa," ani Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong Martes.
Inihayag ni Bersamin sa kampo ni Duterte na maghintay ng tamang panahon at sundin ang tamang proseso.
Sinabi rin ng opisyal na, "No motive is more selfish than calling for a sitting president to be overthrown so that your daughter can take over."
"And he will go to great and evil lengths, such as insulting our professional armed forces by asking them to betray their oath, for his plan to succeed," dagdag pa niya.
Ito ang naging pagbibigay-diin ni Bersamin, na nakakagulat ang panawagan ng dating presidente sa mga armadong pwersa na magsagawa ng kudeta laban sa Pangulo.
Comments