top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Planong paglipat ng kumpanya, dapat ituloy dahil mas suwerte

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | February 07, 2022




KATANUNGAN


  1. Nagtatrabaho ako ngayon sa isang call center, pero naliliitan ako sa aking suweldo dahil bukod sa palagi akong puyat, malayo ang inuuwian ko kaya balak ko nang mag-resign at lumipat sa ibang company na may mas mataas na offer. Kung lilipat ako sa kalaban naming kumpanya, papalarin ba ako? Marami kasi akong kasamahang naglipatan at ngayon ay iniinggit nila ako dahil lumaki ang kanilang suweldo.

  2. Maestro, sa palagay n’yo, dapat ba akong lumipat o magtiyaga sa kasalukuyan kong company at hintayin na taasan nila ako ng suweldo? Tutal gamay ko na ang trabaho rito at hindi naman ako nahihirapan sa work ko.


KASAGUTAN


  1. Tama ang iniisip mo, Abigail, mas mainam na lumipat ka ng kumpanya at siguradong mas magiging maganda ang future mo ru’n, lalo na sa aspetong pampinansiyal. Ito ang nais sabihin ng nagbago ngunit kumapal at luminaw na Fate Line na tinatawag din nating Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na tulad ng nasabi na, tama ang iniisip mo, lumipat ka na ng kumpanya kung mababa ang suweldo mo ngayon. Dahil kung mas maganda ang offer sa ibang kumpanya, tama ka, mas uunlad at aasenso ang buhay, partikular sa aspetong pampinansiyal.

  3. Ang pag-aanalisang mas uunlad ka sa kalabang kumpanya ay madali namang kinumpirma ng destiny number mong 1, na nagsasabing habang hindi mo natatagpuan ang suwetong suweldo na gusto mong matanggap o itapat sa ginagawa mong paglilingkod sa mga companies na pinapasukan mo, magpapalipat-lipat ka, hanggang sa bandang huli, kusa ka ring susuwertehin at aasenso, higit lalo kung ang mapapasukan mong bagong kumpanya ay may kulay dilaw, berde o itim na logo.

  4. Sa nasabing kumpanya, tataas at lolobo ang iyong suweldo at mas mabilis kang uunlad sa aspetong pampinansiyal, kung saan mabibili mo na ang halos lahat ng gusto mo at mabibigyan mo pa ng magandang future ang pamilya mo, higit lalo ang mga tumatanda mo nang mga magulang.


MGA DAPAT GAWIN

  1. Ayon sa iyong mga datos, Abigail, mas maganda kung siguraduhin mong tanggap ka na sa kabilang kumpanya bago ka tuluyang mag-resign sa kasalukuyan mong kumpanya. Sa ganyang paraan, kahit na nag-resign ka, hindi ka mawawalan ng trabaho. Sa halip, kahit papaano ay tuloy-tuloy pa rin ang iyong lumalaking suweldo.

  2. Habang, ayon sa malawak at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, bukod sa tataas ang iyong suweldo sa lilipatan mong kumpanya, magkakaroon ka rin ng pagkakataong makapangibang-bansa sa pamamagitan ng tulong o sponsorship ng company. Dahil dito, lalo mo pang ma-e-enjoy ang iyong trabaho, kung saan nadagdagan na ang iyong suweldo, nakapag-travel ka pa nang libre. Ang nasabing suwerte at magandang kapalarang nabanggit ay nakatakda at magsisimulang mangyari sa iyong kapalaran sa susunod na taong 2023 sa edad mong 28 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page