Planong pag-a-abroad, dapat ituloy dahil sure na magiging successful
- BULGAR

- Dec 17, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| December 17, 2020

KATANUNGAN
Ako ay isang tindera sa palengke na may maliit na suweldo. Kaya ngayon ay balak kong mag-apply sa abroad ‘pag natapos na ang problema ng mundo sa COVID-19. Naisip ko ang ganito para kahit paano ay makaangat-angat naman ang aming kabuhayan.
Second year college lang ang naabot ko at hindi pa nakatapos, kaya gusto kong makatapos ang mga anak ko sa kolehiyo at gusto ko ring umangat ang buhay namin.
Ang gusto kong malaman ay kung matutuloy ba akong makapag-abroad at may maganda bang Travel Line sa aking palad at kung mayroon, kailan naman ito magaganap?
KASAGUTAN
Tama ka r’yan sa iniisip mo na mag-abroad kaysa magtiis sa kasalukuyan mong trabaho kung saan sabi mo nga ay maliit lang ang suweldo, samantalang ang amo mo ang patuloy sa pagyaman.
Samantala, kapansin-pansin ang isang magandang Travel Line (Drawing A.at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nagsasabing makapag-a-abroad ka sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.
Ito rin ay tanda na tulad ng nasabi na, tiyak ang magaganap, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran. Ang pag-aanalisang makapag-a-abroad ka ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 10, sa zodiac sign na Aries.
Ibig sabihin, sa mga bagay na may kaugnayan sa pakikipagsapalaran sa malalayong lugar, walang duda, magkakaroon ka ng mabunga at mabiyayang kapalaran. Kaya kung hindi ka makikipagsapalaran at mananatili lamang na nagtitinda, malabo kang umunlad at makaahon sa kahirapan.
Subalit kung lakas-loob kang makikipagsapalaran, tulad ng naipaliwanag na, sa malayong pook, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang mararanasan na magdudulot, hindi lamang sa iyo ng malaking pag-unlad kundi pati sa iyong pamilya na nasa probinsiya.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Mara, basta magpatuloy ka lang na kumilos at palagi mong pairalin ang lakas ng loob, habang palagi ka ring magsusuot ng mapalad mong kulay na berde, dilaw at pula, sa 2021, sa buwan ng Oktubre at sa edad mong 28 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.




Comments