top of page
Search
  • BULGAR

Pirma na may korteng dollar at malawak at mahabang travel line...

Tanda na kikita ng malaki kung lilipat ng trabaho

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| September 25, 2020




KATANUNGAN

1. Ako ay nasa Guam ngayon at nagtatrabaho bilang company supervisor, pero ngayon ay nag-a-apply ako sa Qatar airways para maging mas malaki ang aking suweldo. May tumutulong naman sa akin na kaibigan ko at siya ang nagpupursige na mag-apply ako roon. May pangarap din ako na makapag-immigrate sa Canada.

2. Nakasalang na ang papeles ng girlfriend ko sa Canada. Matutupad ba ang mga pangarap namin ng girlfriend ko?

KASAGUTAN

1. Kapansin-pansing ikaw ay nagtataglay ng “square type hand”, isang mala-parisukat na hugis ng palad, malaman at may energy na kaunti lang ang mga guhit. Ito ay malinaw na tanda na sa kasalukuyan ay higit na namamayani sa kapalaran mo ang “will power” o nagliliyab mong kagustuhan, kaysa sa anumang mga bagay. Dahil dito, kung sadyang gugustuhin mo nang todo at bongga ang makapanirahan o makapag-immigrate sa ibang bansa, partikular sa Canada, magagawa at makakaya mo ring lumipat sa Qatar airways.

2. Ang mga positibong pag-aanalisang tinuran sa itaas ay madali namang kinumpirma ng napakaganda mo ring lagda na may korte o hugis dollar, ganundin ng malawak at mahabang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, ngayon pa lang ay nasasagap na ng unconscious mong isipan ang limpak-limpak na dollar na kikitain mo sa ibayong-dagat at sa pagii-immigrant sa Canada o paglipat sa Qatar airways.

3. Gayunman, dahil parang magkasama ng mahigit sa isang pulgada ang Life Line at Head Line (Drawing A. at B. L-L, H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, bilang paalala, dapat mag-ingat ka rin sa mga manloloko na hihiraman ka ng malaking halaga ng salapi at pagkatapos ay hindi ka na babayaran. Ang pagsasama kasi ng Life Line at Head Line (arrow b.) ng mahigit sa isang pulgada ay nagsasabi rin ng iyong likas na kabaitan at minsan ay madaling mauto, maloko at mabola. Ang negatibong ugaling ito ang hindi mo dapat pairalin upang wala kang pagsisihan sa bandang huli. Sa halip, tuluy-tuloy kang makaipon ng maraming-maraming pera para sa iyong future hanggang sa tuluyan kang yumaman.

DAPAT GAWIN

Jason, ayon sa iyong mga datos, sa 2021 hanggang 2022, basta ‘wag kang magpapaloko, lalo na sa mga babae, tiyak ang magaganap. Sa nasabing panahon sa edad mong 43 pataas, kusang matutupad ang lahat ng iyong mga pangarap—makakalipat ka sa Qatar airways, lalo pang lalaki ang iyong suweldo hanggang sa bandang huli, kusa na ring ma-release ang papeles mo upang makapag-immigrant ka sa Canada.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page