Pinunit ng titser ang test paper, pahiwatig na malulutas na ang problema
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 28, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Marlene ng Mindoro Oriental.
Dear Maestra,
Sumainyo nawa ang mga biyaya ng Diyos na Dakila. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na nasa school ako at tinuturuan ng dati kong teacher sa high school? Maya-maya, lumapit siya at pinunit ang test paper na hawak ko. Pakipaliwanag naman ang kahulugan nito.
Naghihintay,
Marlene
Sa iyo, Marlene,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa school ka at tinuturuan ng dati mong teacher sa high school ay malalagay ka sa sitwasyon kung saan kakailanganin mo ang payo ng mapagkakatiwalaan mong tao para matulungan ka sa problemang napasukan mo. Maaaring ito ay tungkol sa pag-aasawa at problema sa pananalapi.
Samantala, tungkol naman sa pinunit ng teacher mo ang test paper na hawak mo, maganda ang ibig sabihin nito. Ito ay nangangahulugang matatapos na ang mga bagay na gumugulo sa isip mo at malulutas na ang mga problema mo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments