Pinsan ng isa sa Abu Sayyaf lider, patay sa engkuwentro
- BULGAR

- Sep 28, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 28, 2020

Patay ang hinihinalang sub-leader at bomb maker ng Abu Sayyaf sa engkuwentro sa mga militar sa Patikul, Sulu nitong Lunes nang umaga, ayon sa Joint Task Force Sulu.
Kinilala ng militar ang napatay na si Arsibar Sawadjaan, pinsan ni Mundi Sawadjaan, ang itinuturong mastermind ng “twin explosions” sa Jolo noong Agosto 24.
Ayon sa JTF Sulu, nakaengkuwentro ng ilang miyembo ng 45th Infantry Battalion ang tinatayang humigit-kumulang 40 local terrorists sa Barangay Maligay. Wala namang naiulat na napuruhan sa miyembro ng mga militar.





Comments