top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pinoy, kabado sa kapiranggot na oil price rollback, tiyak ang kasunod bigtime taas-presyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 13, 2024


KUNG SINO PANG EX-SENATOR (BAM AQUINO) NA SIYANG MAY-AKDA NG FREE TUITION, SIYA PA ANG AYAW IBOTO NG MAJORITY PINOY -- Sa kada labas ng senatorial survey para sa 2025 election ay hindi pumapasok sa top 12 si former Sen. Bam Aquino, na sa mga survey na ito ay waring ipinakikita ng mga survey firms na walang panalo sa muling pagtakbong senador si ex-Sen. Bam kasi nga kadalasan nalalagay siya sa rank 18 to rank 36.


Nakalulungkot isipin na ang dating senador na si Bam Aquino na may-akda ng free tuition sa mga State Universities and Colleges (SUCs) kung saan milyun-milyong estudyante na ang nakikinabang dito, milyun-milyon na rin ang nakapagtapos ng kolehiyo nang walang binayaran at malaking tulong ito sa mga magulang dahil hindi na sila mamomroblema sa matrikula ay siya (Bam Aquino) pa ang ayaw iboto ng majority Pinoy, tsk!

◘◘◘


FEELING VIP ANG NAGPAPAKILALANG ‘SON OF GOD’ NA SI QUIBOLOY KASI HAHARAP LANG DAW SIYA SA SENADO KUNG SUNDUIN SIYA NG JET PLANE AT MAY PA-5 STAR HOTEL ACCOMMODATION PA -- Ibinulgar ni Sen. Risa Hontiveros na may 17 demands daw si Pastor Apollo Quiboloy para dumalo siya sa Senate hearing kaugnay sa mga kinasasangkutan niyang rape cases, sexual abuse, child sex trafficking at iba pa, at kabilang daw ang demand ng pastor ay sunduin siya ng jet plane mula sa kanyang kinaroroonan patungong Senado at five star hotel accommodation.


Iyan ang nagpapakilalang “son of God”, masyadong demanding at Very Important Person (VIP) ang turing sa sarili, buset!

◘◘◘


SEN. ROBIN, NABATIKOS SA PAGBATI SA KABABAIHAN NOONG INTERNATIONAL WOMEN’S DAY, KASI BATI-BATI SIYA PERO TODO-TANGGOL NAMAN KAY QUIBOLOY NA MAY KASONG PANG-AABUSO SA KABABAIHAN -- Pinutakti nang batikos si Sen. Robin Padilla sa ginawa niyang pagbati sa mga kababaihan noong nakalipas na March 8, International Women’s Day.


Mababatikos talaga, kasi mantakin n’yo, siya ang numero unong tagapagtanggol ni Pastor Quiboloy na may rape case at sexual abuse sa mga kasapi ng kanyang sekta sa Amerika at may mga kaso rin ng pang-aabuso sa mga kababaihan sa ‘Pinas, tapos nagawa pa ni Sen. Padilla na bumati sa mga kababaihan noong International Women’s Day, tsk!

◘◘◘


KAPIRANGGOT NA OIL PRICE ROLLBACK, MALAMANG ANG KASUNOD N’YAN BIGTIME OIL PRICE HIKE -- Nagpairal ng kakapiranggot na oil price rollback ang mga kumpanya ng langis, ang ibinawas na presyo sa gasolina ay 50 cents, sa diesel ay 25 cents at kerosene ay 30 cents.


Sa totoo lang, kinakabahan na ang mamamayan kapag may ganyang pakonswelong kapiranggot na oil price rollback ang mga oil company, kasi kadalasan ang kasunod n’yan ay sunud-sunod na bigtime oil price hike, boom!

 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page