top of page
Search
  • BULGAR

Pinatulan ang mga tropa dahil tinawag na baboy, pahiwatig ng tagumpay sa negosyo at love life

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 28, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Yolly ng Iloilo.


Dear Maestra,


Nais kong magpaanalisa ng aking panaginip na nadagdagan ang timbang ko, tapos lumapad nang husto ang katawan ko at napakataba ko na. Pati mga kaibigan ko ay nagulat nang makita ako at inasar pa nila ako at tinawag na baboy. Dahil du’n, nagalit ako at inaway ko sila, naglabo-labo kami at hindi nagpaawat.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Yolly


Sa iyo, Yolly,


Ang panaginip mo na nadagdagan ang timbang mo, lumapad nang husto ang katawan mo at napakataba mong tingnan ay nangangahulugan na magiging maganda ang kalusugan mo, wala kang anumang sakit at mananatiling maayos ang pakiramdam mo sa kabila ng pandemya na ating nararanasan sa kasalukuyan.


Samantala, ang sabi mo ay inaway mo ang mga kaibigan mo dahil tinawag ka nilang baboy, tagumpay sa negosyo ang ipinahihiwatig nito at maging sa pag-ibig ay susuwertehin, liligaya at pagpapalain ka.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page