Search
  • BULGAR

‘Pinas, sabit sa kontrobersiyal na banking scam, nakupo!

ni Ka Ambo - @Bistado | June 26, 2020



Iniimbestigahan ang dalawang big time na bangko sa Pilipinas dahil sa pagbagsak ng isang dambuhalang financial service provider na Wirecard na nakabase sa Germany.


Nilinaw na dalawang bangko na walang nakapasok na cash mula sa naturang korporasyon sa kanilang bangko!


◘◘◘


Lumutang naman ang pangalan ng isang Filipino executive na dating naitalaga sa DITC pero sinibak din agad ni P-Digong.


Siya ay itinuturong may koneksiyon sa bumagsak na korporasyon!


◘◘◘


Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon, pero ang malinaw, napapagitna ang pangalan ng Pilipinas sa kontrobersiyal na banking scam.


May kaugnayan din ang korporasyon sa payment scheme sa mga gambling casino!


◘◘◘


Hindi pa puwedeng sabihin kung sino ang may kasalanan at sino ang walang kasalanan.


Ito ay dahil sa patuloy pa ang imbestigasyon!


◘◘◘


Maselan ang ikot ng salapi sa mga bangko kaya ang ating henerasyon ay walang katiyakan sa lagay ng ekonomiya.


Hindi na nakasandal sa ginto ang pagpapaimprenta ng salapi.


Nakasandal ang salapi sa labas at pasok ng interest ng mga pautang—kumbaga, kapag hindi nangutang ang mga bansa sa world financial institution, babagsak ang kalakalan!


◘◘◘


Walang bansa na walang utang dahil ikakabagsak ito ng world economy na pinatatakbo ng dating World Bank -IMF.


Nang magsarili ang Libya at nawalan ng utang—pinabagsak siya ng makakapangyarihang bansa.


Bawal ang hindi mangutang!


◘◘◘


Kung baon sa utang sa Bumbay at iba pang usurero ang mga Pinoy, baon din sa utang ang lahat ng bansa—kabilang ang gobyerno ng U.S. at China.


Hindi masama ang utang.


Ang masama ay kung hindi mo gagamitin ang iyong inutang sa pagpapalago ng negosyo, bagkus ay gagamitin ito sa pagpapasarap ng buhay!


◘◘◘


Ang Pilipinas ay baon sa utang.


Lahat ng nauupo sa Malacañang ay gumagawa ng utang sa pangalan ng soberaniya ng bansa.


Ang mga magbabayad ng utang ay ang taumbayan na papasan ng napakalalaking buwis!


◘◘◘


Kapag hindi nangutang ang gobyerno, wala siyang ibang gagawin kundi ang magbenta ng ari-arian ng Republika ng Pilipinas.


‘Yan ang ginawa ni dating Pangulong Fidel Ramos!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.