Search
  • BULGAR

'Pinas, minura… SEN. ENRILE KAY LEA: BASTOS! WALANG ALAM KUNDI KUMANTA LANG!

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | June 27, 2020




Nakatikim ng masasakit na salita ang sumikat sa Miss Saigon na si Ms. Lea Salonga mula kay dating Sen. Juan Ponce Enrile dahil sa naging Facebook post ng singer na "Dear Pilipinas, put*** ina, ang hirap mong mahalin."


Sa isang video na lumabas sa YouTube kung saan nakapanayam ng mga radio hosts na sina Admar Vilano at Jess Aranza ng DZAR Sonshine Radio si Enrile, maririnig na tinawag na "bastos" ng dating senador si Lea.


“Bastos. Ano'ng malay naman niyang Lea Salonga na 'yan kung hindi ang kumanta lang?” ang matapang at may pangmamaliit na hirit ni dating Sen. Enrile kay Lea.


Una na rin namang nagpaliwanag at humingi ng sorry si Lea sa mga naka-misinterpret sa kanyang FB post at sinabing hindi ang Pilipinas ang minumura niya kundi 'expression' lang ito ng kanyang pagkadismaya dahil sa mga nangyayari ngayon sa bansa.


Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming naririnig na reaksiyon ni Lea kaugnay ng sinabi sa kanya ni ex-Sen. Enrile at hindi namin alam kung papatulan pa niya ang isyung ito.


Abang-abang na lang tayo, mga ka-Bulgar!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.