top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

‘Pinas, may pinakamataas na unemployment rate sa Southeast Asia, nakupo!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 16, 2020
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 16, 2020



MGA MAYOR SA METRO MANILA AT 4 NA GOBERNADOR SA LUZON, WALANG DISKARTE KONTRA COVID-19?—Itinalaga ni P-Duterte ang mga miyembro ng kanyang Gabinete na umasiste sa mga alkalde sa Metro Manila at gobernador ng Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan sa paglaban kontra COVID-19.


Ang aksiyong ito ni P-Duterte ay tila insulto sa mga mayor ng Metro Manila at gobernador sa Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan dahil lumalabas na wala silang diskarte sa paglaban sa COVID-19, kaya kailangan pa silang alalayan ng mga miyembro ng Gabinete, boom!

◘◘◘


IATF, SOBRANG HIGPIT NOONG KAUNTI PA LANG ANG KASO NG COVID-19, PERO KUNG KAILAN DUMAMI SAKA NAGLUWAG SA TAO—Ilang probinsiya at siyudad na ang niluwagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) nang ideklarang MGCQ at GCQ ang mga ito at bukas (Agosto 17) ay inaasahang ibabalik na rin ng IATF sa GCQ o baka maging MGCQ pa ang Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.


Baligtad yata mag-isip ang mga taga-IATF, noong Marso at Abril na kaunti pa lang ang kaso ng COVID-19 ay sobrang higpit nila nang isailalim sa ECQ ang buong bansa, pero kung kailan dumami na ang nadale ng deadly virus ay saka nagluwag, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘

PILIPINAS, PALAGING NANGUNGUNA SA PAGIGING SABLAY—Sa inilabas na economic report ng ASEAN Maybank, ang Pilipinas ang nagtamo ng pinakamataas na unemployment rate sa buong Southeast Asia dahil aabot sa 8 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho ngayong may COVID-19 pandemic.


Hay naku, palagi na lang number 1 ang Pilipinas sa pagiging sablay.


Isipin mo, number 1 ang ‘Pinas sa SEA na may pinakamaraming kaso ng COVID-19, tapos number 1 sa paglagapak ng ekonomiya at ngayon ay number 1 na naman sa may pinakamaraming nawalan ng work, saklap!


◘◘◘


ATTY. GADON, NAGSUOT NG 2-IN-1 FACE MASK AT FACE SHIELD, NATAWAG NA ‘BOBO’ NG NETIZENS—Ginawang katatawanan sa social media ang kumakalat na larawan ni Atty. Larry Gadon na ang face mask ay nakadikit sa suot niyang face shield.


Hirit ng netizens, sa kasisigaw ni Gadon nang “bobo” ay naging bobo na ito dahil sumablay ito sa tamang pagsusuot ng face mask at face shield na napakasimpleng bagay lang, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page