‘Pinas, ‘di kabilang sa listahan ng visa suspension ng US — envoy
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
by Info @News | January 15, 2026

Photo: USA / FP
Binigyang-linaw ni Philippine Ambassador to the United States (US) Jose Manuel Romualdez na hindi kabilang ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa na sinuspinde ng US ang pagproseso ng visa.
“Philippines is not included,” ayon kay Romualdez.
Nasa 75 na bansa ang napabilang sa listahan ng Amerika para ipahinto ang pagproseso ng US visa simula Enero 21 dahil sa patuloy na paghihigpit ni US President Donald Trump sa immigration laws sa kanilang bansa.








Comments