top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Pinas, dapat ready sa pagpasok ng mga dayuhang negosyante

BULGAR
Sep 30, 2022
1 min read

@Editorial | September 30, 2022


Kasunod ng biyahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa Amerika, napag-alamang aabot sa halos $4 billion investment ang kanyang naiuwi.


Base ito sa mga business agreement at commitment na napagkasunduan ng Pangulo at mga dayuhang negosyante.


Kaugnay nito, tinatayang nasa 112,285 trabaho ang inaasahang malilikha dahil sa mga naiuwing investment.


Kabilang sa mga investment ay may kaugnayan sa Information Technology and Business Process Management (IT-BPM), data centers, at manufacturing.


Gayunman, nilinaw na ang naturang halaga ay hindi awtomatikong sasalamin ng future investment. Bagama't maraming kumpanya ang nagpahayag ng interes na mamuhunan, kailangan pa ring maselyuhan ang investment pledges.


Samantala, ang tanong, handa na ba ang 'Pinas sa pagpasok ng mga dayuhang negosyante?


Mula sa airport, trapiko, internet, transaksyon sa gobyerno at iba pang usapin na may kinalaman sa negosyo, ready na ba tayo?


Dapat maging maayos, mabilis at malinis ang proseso ng pagnenegosyo para hindi tayo malagay sa alanganin kapag nagpasukan na ang mga mamumuhunan.


Walang masama na ibida ang magagandang lugar sa ating bansa, lalo na ang manggagawa na mga highly skilled at mataas ang kuwalipikasyon dahil totoo naman, basta kasabay nito ay ang pagtiyak na maayos ang kabuuan ng pagnenegosyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page