top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

‘Pinas at China, ceasefire sa South China Sea

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2020
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 12, 2020



Napagkasunduan ng defense leaders ng Pilipinas at China na magkaroon ng kapayapaan sa South China Sea, ayon sa Department of National Defense.


Nagkita sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Wei Fenghe ng China nitong Biyernes, September 11, sa Camp Aguinaldo upang pag-usapan umano ang ilang isyung may kinalaman sa “defense relations” ng dalawang bansa. Napag-usapan din umano na iwasan ang pagkakaroon ng alitan at panatilihin ang kapayapaan sa South China Sea.


Nangako rin umano ang pamahalaan ng China ng P1 billion halaga ng mga donasyon para sa disaster response equipment at humanitarian assistance.


Samantala, sinamahan ni Sec. Lorenzana si Wei upang personal na makipagkita kay P-Duterte sa Palasyo. Ngunit hindi pa inilalabas ng Malacañang ang detalye sa napag-usapan nina P-Duterte at Wei.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page