‘Pinas, agri country pero sa Vietnam aasa ng supply ng bigas, grabe!
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Enero 23, 2024
PAMILYA DUTERTE MAY PRINSIPYO AT ISANG SALITA SA PAGLILINGKOD SA SAMBAYANANG PINOY -- Nagpasalamat si Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio kay presidential sister, Sen. Imee Marcos sa patuloy na suporta nito sa kanya at sa kanyang pamilya, at pagkaraan ay sinabi ng bise presidente na ang tanging maipagmamalaki ng mga Duterte ay meron silang prinsipyo at isang salita para sa kapakanan ng bayan at mamamayan.
‘Yan ang dahilan kung kaya’t todo-suporta si Sen. Imee sa mga Duterte, meron itong prinsipyo at isang salita para sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino, period!
◘◘◘
WALANG SILBI ANG PABIDA NG MGA SENADOR AT KONGRESISTA SA IMBESTIGASYON SA DOTr AT LTFRB, KASI PAGSAPIT NG FEB. 1 TULOY ANG PHASEOUT SA MGA TRADITIONAL JEEPNEY -- Maituturing na pabida lang sa publiko ang isinagawang imbestigasyon ng Senado at Kamara sa Dept. of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) patungkol sa tila pagsikil ng dalawang ahensyang ito sa karapatan ng mga tsuper at operator ng traditional jeepney na makapaghanap-buhay.
Walang silbi ang mga pabida ng mga senador at kongresista kasi final na ang desisyon ng DOTr at LTFRB na pagsapit ng February 1, 2024 ay tuloy ang phaseout, ituturing na nilang kolorum at i-impound ang mga traditional jeepney na hindi pumaloob sa mga kooperatiba at korporasyon, kapag ang mga ito ay bumiyahe sa kalsada, tsk!
◘◘◘
MAY POWER ANG SENADO AT KAMARA NA I-PRESSURE SI P-BBM PARA HUWAG NANG ITULOY ANG JEEPNEY PHASEOUT -- Sa totoo lang, may power naman ang Senado at Kamara para i-pressure si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) at utusan ang DOTr at LTFRB na huwag obligahin ang mga tsuper at operator na ayaw pumaloob sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.
Gumawa lang ng resolution ang mga senador at kongresista na hindi nila bibigyan ng confidential fund si P-BBM sa year 2025 kapag inalisan ng hanapbuhay ang mga tsuper at operator ng traditional jeepney, ay tiyak sasabihan ng Presidente ang DOTr at LTFRB na huwag nang obligahin ang mga ayaw pumaloob sa PUV Modernization Program, period!
◘◘◘
AGRI COUNTRY ANG ‘PINAS, TAPOS ANG PRESIDENTE NG ‘PINAS SA VIETNAM AASA NG SUPPLY NG BIGAS -- Bago matapos ang buwan ng Enero, 2024 ay magtutungo si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa Vietnam para lumagda sa 5 years Memorandum of Agreement (MOA) para sa supply ng bigas sa Pilipinas.
Isa ‘yan sa bad na nangyayari ngayon sa Philippines kasi mantakin n’yo, agricultural country ang bansang ‘Pinas, tapos kailangan pa ni P-BBM magtungo sa Vietnam para lumagda sa 5-taong MOA sa isu-supply na bigas ng Vietnam sa ating bansa, at dito iaasa ang supply ng bigas sa Pilipinas, tsk!





Comments