Pinagtaksilan ng dyowa, kabaligtaran ang pahiwatig
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 2, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Julie ng Makati.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na pinagtaksilan ako ng dyowa ko at hindi pala siya mapagkakatiwalaan. Dahil du’n, gumanti ako sa kanya, pinatulan ko ‘yung best friend ko na matagal nang may gusto sa akin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Julie
Sa iyo, Julie,
Kabaligtaran ang ipinahihiwatig ng panaginip mo dahil ang ibig sabihin ng pinagtaksilan ka ng dyowa mo ay mahal na mahal ka niya. Tapat at dalisay ang pag-ibig niya sa iyo at kailanman ay hindi ka niya pagtataksilan.
Samantala, ‘yun namang gumanti ka sa kanya at pinatulan mo ang best friend mo na matagal nang may gusto sa iyo, ito ay nangangahulugan na susubukan ng dyowa mo kung talagang mahal mo siya. Kakasabwatin niya ‘yung best friend mo na kunwari ay nakita siyang may kasamang ibang babae. Kaya ngayon pa lang, humanda ka na sa pagsubok na kakaharapin mo mula sa dyowa mo. Nawa’y huwag kang mapikon at makapasa ka sa pagsubok.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments