Pinaakyat daw sa mesa… LEGS NI LANI, TSINEK MUNA NI MOTHER LILY BAGO BINIGYAN NG SUNUD-SUNOD NA MOVIES
- BULGAR
- Aug 10, 2024
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 10, 2024

Nakita namin sina Senator Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado sa wake ni Mother Lily Monteverde at ikinuwento nila kung paano sila tinulungan at minahal ng Regal Entertainment producer.
Naikuwento ni Bong ang financial help ni Mother Lily nang kinailangang dalhin sa States ang bagong silang nilang anak na may sakit, na unfortunately, hindi rin nabuhay.
'Kaaliw naman ang kuwento ni Lani na pinaakyat siya sa mesa ni Mother Lily at tiningnan ang kanyang legs at after makita, binigyan na siya ng sunud-sunod na pelikula.
Ibinida ni Bong na binigyan siya ng condo unit ni Mother Lily sa Imperial Palace at townhouse. Nabanggit din nito na niregaluhan niya ng piano si Mother Lily at may isang okasyon na pinadalhan niya ito ng 5,000 pieces na roses.
Ibinalita rin nina Bong at Lani ang pag-sponsor ni Bong ng Senate Resolution No. 130, which pays tribute to the life and legacy of one of the pillars of the Philippine entertainment industry.
Anyway, nakakapaglakad na nang diretso si Bong, pero gumagamit pa ng tungkod at nakahawak kay Lani. Ilang months pa at gagaling na siya at hindi na kailangan ng tungkod.
Puwede na niyang ipagpatuloy ang shooting ng movie nila ni Ara Mina at puwede nang gawin ang Book 3 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
“Luh, epal oh,” ang sagot ni Dominic Roque sa basher na nag-comment ng, “Happy 'yung jowa ni Bullet” sa caption ni Dominic ng Instagram (IG) post niyang “Half of Hulyo, mostly phone photos.”
Pinuri ng mga netizens si Dominic na hindi pinatulan ang basher at ‘yun lang ang kanyang sagot.
Nilinaw na ni Dominic at ng kaibigang si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos ang isyung ito sa kanila. Obviously, hindi updated ang basher at sabi nga ng mga netizens, hindi nito natanggap ang memo.
Ang mga netizens na ang umaway sa basher at tinawag siyang bastos, nasty at puwede siyang idemanda ng cyber bullying. Pasalamat daw ang basher na mabait si Dominic at hindi na siya pinatulan.
And speaking of Dominic, may mga nagwi-wish na maging end game sila ni Kathryn Bernardo, kaya lang, best of friends pa rin ang status ng dalawa.
Wala pang nali-link na iba kay Dominic Roque at hindi pa yata siya naghahanap, ine-enjoy ang pagiging single.
VIVA artist na ang lawyer and stand-up comedian na si Edward “Ed” Chico” after pumirma ng five-year contract sa Viva Artists Agency.
Ipinakilala nito ang sarili na Ka-Viva at nagbiro na puwede rin siyang gumawa ng movie sa Vivamax, pero lawyer ang role.
Lawyer nga si Ed bago naging stand-up comedian at dahil nag-e-enjoy sa pagiging stand-up comedian, parang ito na ang kanyang priority. Masarap daw magpatawa at aminadong mas maganda ang talent fee.
Pumupuwesto sa Viva Cafe si Ed, radio host din siya ng Tanggol Karapatan sa Radyo Veritas, co-founder ng comedy troupe na Insanithink, member ng Comedy Cartel na pioneer ng point-of-view stand-up comedy sa bansa, law professor, bar lecturer, legal counsel ng KBP, at consultant sa iba’t ibang government agencies.
Ed writes his own material at madalas, adlib ang ginagawa niya onstage at tumatagal nang one hour and a half ang show niya. Maipagmamalaki ni Ed na laging sold-out ang mga shows niya.
Sa lahat ng mga freebies na ibibigay kay Carlos Yulo, sa offer ng Vivamax na lifetime free access natuwa ang mga netizens at maganda ang announcement nila sa kanilang offer.
“Salamat, Caloy! We are very MAX proud of you! After mo sumabak sa laban, deserve mong mag-VIVAMAX AND RELAX! Sagot na namin ang lifetime subscription mo.”
Pero, sa updated post, wala na raw ang linya na “Sagot na namin ang lifetime subscription mo.”
Wala ring pahayag ang Vivamax kung inalis at in-edit o nagkamali lang sila sa paglalagay ng “lifetime subscription” para kay Carlos Yulo.





Comments