Pimentel nanawagan kay P-BBM na muling sumali sa ICC
- BULGAR

- Nov 9, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando l @News | Nov. 9, 2024
Photo: Sen. Koko Pimentel at Pangulong Bongbong Marcos / Senate PH / PCO
Nanawagan si Senate Minority Leader Aquilino "Koko" Pimentel III kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na muling pag-isipan ang kanyang posisyon kaugnay sa International Criminal Court (ICC) at isaalang-alang ang muling pagsali ng 'Pinas sa pandaigdigang hukuman.
Ginawa ni Pimentel ang panawagang ito sa harap ng mga miyembro ng diplomatic community sa isang talumpati ukol sa foreign policy sa Department of Foreign Affairs kamakailan.
Ayon sa senador, ang muling pagsali sa ICC ay magsisilbing insurance policy laban sa posibleng pang-aabuso ng mga lider at sa pagkakataong pumalya ang sistema ng hustisya.
“Let us rejoin the ICC. We should treat this as our 'insurance policy' just in case 'our system' fails us and we get to elect an abusive, tyrannical, heartless leader, and our justice system fails us too,” pagbibigay-diin ni Pimentel.
Matatandaang kumalas ang 'Pinas sa ICC sa ilalim ng administrasyong Duterte nu'ng 2018 matapos ipaalam ng hukuman nu'ng 2017 na magsasagawa ito ng imbestigasyon sa kanyang kampanya laban sa droga.










Comments