top of page

Pigilan ang paglaganap ng droga, mga parcel bantayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 16 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | February 11, 2026



Editoryal, Editorial


Gamit na gamit ngayon ng mga drug syndicate ang mga parcel para magpasok ng ilegal na droga sa bansa. 


Dahil mas mabilis at mas marami ang padala, mas nagiging madali para sa kanila na makalusot. Kapag pumalya ang pagbabantay, diretso ang droga sa komunidad—at buhay ang kapalit nito.


Dapat higpitan ng gobyerno ang inspeksyon sa mga paliparan, pantalan, at courier hub. Walang dahilan para makalusot ang parcel na may drugs kung maayos ang trabaho at walang kinukunsinti. 


Kung may kapabayaan o katiwalian, dapat may managot.

May pananagutan din ang mga courier at delivery company. Hindi sapat ang simpleng pagtanggap ng padala basta may bayad. Kailangang siguruhin nilang hindi sila nagiging daan ng krimen.


Ang bawat parcel na may droga na nakakalusot ay pagkatalo ng batas at panganib sa mamamayan. 


Hindi ito simpleng isyu ng padala—ito ay isyu ng seguridad ng bansa. Kailangang pigilan, sugpuin, at panagutin ang lahat ng sangkot.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page