Picnic Grove sa Tagaytay City, bukas na
- BULGAR

- Oct 24, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | October 24, 2021

Binuksan na ulit sa publiko ang Picnic Grove sa Tagaytay City.
Maaaring bumisita sa sikat na destinasyon mula Lunes hanggang Linggo, 6 a.m. hanggang 10 p.m.
Ipatutupad ang 50% capacity sa lugar alinsunod sa IATF protocols.
Para sa mga nais bumisita, kailangang naka-face mask at face shield sa vicinity ng lugar.
Batay sa post ng City Government of Tagaytay, ”Ingat pa rin po tayong lahat habang ine-enjoy natin ang malamig na simoy ng hangin ng Tagaytay.”





Comments