PHLPost, gagawing moderno
- BULGAR

- Apr 10, 2023
- 1 min read
ni Alvin Fidelson | April 10, 2023

Gagawin nang moderno ang Philippine Postal Corporation (PHLPost).
Ito ang tiniyak ni Postmaster General Luis Carlos matapos na manumpa kay Supreme Court Chief Justice Alexander G. Gesmundo, kamakailan.
Si Carlos ay dating Assistant Postmaster General for Marketing and Management Support Services at itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang pinuno ng PHLPost.
“Hindi natin kailangan baguhin ang buong sistema, ang kailangan ngayon ay pagandahin ang serbisyo natin”, ani Carlos.
Kabilang sa mga programa ang pagde-develop ng e-commerce platforms at digital mailboxes, partnership sa pagitan ng Department of Trade and Industry at mga pribadong kumpanya sa e-commerce business at cross-border agreement on international mail forwarding at money transfer.
Nais din ni Carlos na makatulong sa administrasyon ni Marcos na maiangat ang kalagayan ng magsasaka at maliliit na negosyante na maihatid ang mga agricultural products tulad ng binhi, fertilizers, at mga pananim sa malalayong lugar na walang kakayahang makapasok sa malalaking siyudad.








Comments