Search
  • BULGAR

PHL Olympians na pa-Tokyo, uunahing suportahan ng POC

ni ATD - @Sports | June 26, 2020




Maraming plano ang Philippine Olympic Committee (POC) isa na rito ang ang bigyan muna ng pansin ang mga atleta na malaki ang tsansa na makakuha ng slot sa Tokyo Olympics.


Nais ng POC na masuportahan nila ang mga atleta kapag inilabas na ang bagong iskedyul ng qualifying events.


Umaasa naman si POC president Abraham “Bambol” Tolentino na maintindihan ng ibang atleta ang hakbang na kanilang gagawin.


“We have to shift our focus on helping athletes who would most likely qualify. I hope the other athletes wouldn’t be offended,’’ ani Tolentino. "We’re discussing with the PSC the continuous training of our athletes, especially those who will participate in qualifying tournaments,”


Tututukan ng POC si Olympic silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting dahil malaki ang tsansa na makapaglaro sa Tokyo Olympics kasama rin sina skateboarder Margielyn Didal at judoka Kiyomi Watanabe.


Kasalukuyang sina pole vaulter EJ Obiena, boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno at world champion gymnast Carlos Edriel Yulo pa lang ang Pinoy na may mga slot sa summer games sa 2021.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.