Search
  • BULGAR

PhilHealth: singil sa member na magpapa-COVID test, bawal!

ni Fely Ng - @Buhay Pag-Ibig at Pamilya | September 12, 2020



Hello, mga amigo at amiga! Mariing kinondena ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang diumano’y paniningil ng isang ospital sa isang pasyente na sumailalim sa SARS-CoV-2 test, ngunit sisingilin pa rin sa ahensiya ang benepisyong nakalaan sa kanila. Ito ay maliwanag na paglabag ng pasilidad sa kanilang performance commitment at may katapat na kaparusahan.


Nilinaw ng PhilHealth na bawal ang paniningil sa miyembro o pasyente dahil karapatan ng miyembro na makamtan ang kanilang benepisyo bago ma-discharge. Hihingin ng PhilHealth ang detalye ng insidenteng ito kay Rep. Bernadette Herrera-Dy na naghayag nito kamakailan.


Ang pakete ng PhilHealth para sa SARS-CoV-2 tests gamit ang RT-PCR ay para sa mga miyembro na kabilang sa mga “at risk”, ayon sa Department of Health gaya ng mga may kritikal/matindi o banayad na sintomas at may relevant history ng travel at/o kontak, nakatatanda at may pre-existing medical conditions; contact-tracers, healthcare workers, nagbabalik na OFWs at locally stranded individuals (LSIs) na kahit walang sintomas ay may relevant history ng travel at/o kontak o mataas na risk ng exposure; frontliners na hindi direktang sangkot sa health care provisions; buntis, nagda-dialysis, chemotherapy at radiotherapy, immunocompromised; nakapiit sa bilangguan at mental institutions.


Kasama din ang mga naninirahan at nagtatrabaho sa localized area na mayroong positibo sa COVID-19; frontliners sa tourist zones; trabahador sa manufacturing companies at public service providers na naka-rehistro sa economic zones at nasa Special Concern Areas; at economy workers sa transport at logistics; food retail; education; financial services; non-food retail; services; market vendors; construction; water supply, sewerage at waste management; public sector; at mass media.


Ang mga miyembrong kabilang sa mga sub-groups na ito ay hindi dapat singilin pa (no co-payment) ng anuman na kabilang na sa pakete ng PhilHealth, basta’t accredited ang testing facility saanman sa bansa.


Ang mga kuwalipikadong miyembro na nagbayad naman ng kanilang tests ay maaaring direktang magsumite ng claim sa PhilHealth.


◘◘◘


Para sa anumang isyu, opinyon o problema na gustong i-share, magsend sa e-mail buhay.bulgar@gmail.com o sumulat sa Buhay, Pag-ibig at Pamilya at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.