top of page

Pharmally execs Dargani at Ong, pinalaya na mula sa Pasay City Jail

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 2, 2022
  • 2 min read

ni Lolet Abania | June 2, 2022



Matapos ang anim na buwan na pagkakulong, ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina Mohit Dargani at Linconn Ong ay pinalaya na mula sa Pasay City Jail ngayong Huwebes ng umaga.


Sa ulat, alas-9:15 ng umaga lumabas mula sa city jail sina Dargani at Ong.

Kinumpirma ito ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Chief Inspector Xavier Solda na ang Pharmally officials ay nakalaya na.


Ayon kay Solda, nakatanggap sila ng release order na nilagdaan ni Senate President Vicente Sotto III bandang alas-8:00 ng umaga.



Sa interview ng CNN Philippines kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng Pharmally officials, sinabi nitong ang kanyang mga kliyente ay sabik nang umuwi sa kanilang mga pamilya at magpatuloy na rin sa kanilang pamumuhay.


“They have been released. All the paperwork has been done. And we are just waiting for their personal effects to be returned to them and then they will proceed to their destinations,” pahayag ni Topacio.


Binanatan naman ni Topacio si Senator Risa Hontiveros, matapos na ipahayag nito ang kagustuhang maghain ng isang resolution sa susunod na Kongreso para sa isa pang pagsisiyasat na sangkot ang Pharmally.


“I think Miss Risa Hontiveros is just grandstanding being the lone survivor of the decimation of the opposition. Nagpapabibo lang po ‘yan. Nagpapaingay lang po ‘yan si Miss Risa Hontiveros,” sabi ni Topacio.


Matatandaan noong nakaraang taon, pinangunahan ni Senate blue ribbon panel chairman Sen. Richard Gordon ang pagsisiyasat kaugnay sa pag-transfer ng P42 billion COVID-19 funds mula sa Department of Health (DOH) sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM).


Kabilang dito ang pag-purchase ng PS-DBM ng P8.6 bilyon halaga ng face masks, face shields, at PPEs mula sa Pharmally, kung saan mayroon lamang P625,000 paid-up capital nang ipasok ito sa government transactions.


Noong Nobyembre 2021, nai-transfer sina Dargani at Ong sa Pasay City Jail matapos na tumangging ibunyag ang mga kinaroroonan ng mga dokumento ng financial statements ng kumpanya na ini-request sa Senate blue ribbon probe.


תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page