top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Petisyong gawing valid ang 12-senator quorum, ibinasura ng SC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 11
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 11, 2026



Petisyong gawing valid ang 12-senator quorum, ibinasura ng SC

Photo: File



Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ng guro na si John Barry T. Tayam kaugnay sa usapin ng quorum sa Senado noong sesyon ng Hunyo 3, 2026.


Sa inilabas na press statement ng Office of the Spokesperson ng Korte Suprema nitong Hunyo 10, sinabi nito na ibinasura ang petisyon dahil sa kawalan ng legal standing o sapat na batayan upang magsampa ng kaso.


Saad pa na nabigo si Tayam na patunayan na siya ay nakaranas o nasa agarang panganib ng direktang pinsala mula sa mga aksiyong kanyang kinukuwestiyon.


Ang kaso, na may pamagat na G.R. No. E-06540, John Barry T. Tayam vs. Sen. Alan Peter S. Cayetano, Sen. Pilar Juliana “Pia” S. Cayetano, at Sen. Lorna Regina “Loren” B. Legarda, ay humihiling sa Kataas-taasang hukuman na ideklarang mayroong wastong quorum ang Senado sa sesyon ng 20th Congress noong Hunyo 3, 2026 sa kabila ng presensya lamang ng 12 senador.


Gayunman, hindi na tinalakay ng Korte Suprema ang merito o nilalaman ng petisyon matapos nitong matukoy na walang sapat na legal na personalidad si Tayam upang kuwestiyunin ang naturang usapin sa hukuman.


Dahil dito, nananatiling nakatayo ang naging pasya ng Senado kaugnay ng naturang sesyon habang hindi pa ito nababaligtad o napapalitan ng anumang iba pang desisyon mula sa hukuman.


Ang mga kaugnay na pleadings at dokumento ng kaso ay maaaring ma-access sa "Current Cases" section sa website ng korte.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page