Pera ‘yan ng bayan, kapalmuks talaga… Asungot ni Bongbong, bakasyon-grande sa Switzerland
- BULGAR
- Jan 17, 2023
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 17, 2023
‘WAG SANANG UMABOT SA PUNTO NA PATI ITLOG I-IMPORT NA RIN—Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng sibuyas, tila sumasabay naman ang itlog kung saan nagtaas-presyo na rin ito. Mula sa P6 hanggang P7, ngayon ay P8 hanggang P9 na ang presyo nito, samantala sa mga tindahan ay P10 na ito.
Nakupo, kung hindi mapipigilan ang pagtaas-presyo ng itlog, baka pati ito’y i-import na rin ng gobyerno.
‘Yan palagi ang solusyon ng pamahalaan — ang mag-import. Tulad noong kapusin ang supply ng bigas, galunggong, asukal at sibuyas, na sa halip suportahan at bigyang-ayuda ang mga magsasaka at mangingisda upang mas maging produktibo, aba’y nag-import pa ang gobyerno ng mga produktong ito.
◘◘◘
BAKASYON-GRANDE NG MGA ASUNGOT SA BIYAHE NI P-BBM—Viral sa social media ang dami ng delegado na isinama ni P-BBM sa World Economic Forum sa Switzerland.
Mantakin n’yo, ang malalaking bansa, tulad ng U.S. at India ay nasa lima hanggang 19 lang ang delegado, pero ang Pilipinas ay 70.
Baka nakalilimutan nila, pera ng bayan ang ginagasta sa bawat biyahe ng Pangulo, kaya’t sana sa susunod niyang biyahe ay gov't. officials na may ‘important role’ sa forum lang ang isama niya at huwag na ang mga asungot na ang pakay lang ay magbakasyon-grande.
◘◘◘
HAPPY DAYS NG MGA AGRI-SMUGGLERS, TATAPUSIN NA—Sabi ni P-BBM, ngayong nagtataasan ang presyo ng mga bilihin, panahon na para labanan ang smuggling.
Kung totoo ang sinabi ni P-BBM, tiyak na matatapos na ang happy days ng mga agri-smugglers na sina “Leah Cruz”, “Michael Yang”, “David Bangayan”, “Paul Teves”, “Manuel Tan”, “Andrew Chang” at “Jun Diamante”.





Comments