Search
  • BULGAR

Pelicans, Raptors, Nets at Thunder, nandurog

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 23, 2021





Bumangon mula sa 24 puntos at dinurog ng New Orleans Pelicans ang Boston Celtics sa overtime, 120-115, sa NBA kahapon mula sa Smoothie King Center. Humugot ng lakas ang Pelicans (13-17) kay Brandon Ingram at Zion Williamson upang burahin ang 79-55 lamang ng Celtics (15-15) sa 3rd quarter at pinatuloy nila ito sa overtime.


Hindi basta sumuko ang Boston at tinabla ni Jayson Tatum ang laban para mag-overtime, 108-108, subalit ipinasok ni Ingram ang pandiin na tres para sa 115-112 lamang sa huling 34 segundo. Nagtapos na may 33 puntos mula sa limang tres si Ingram.


Hinila pababa ng Toronto Raptors ang numero uno sa Eastern Conference Philadelphia 76ers, 110-103. Parehong nagtala ng tig-23 puntos sina Fred VanVleet at Pascal Siakam para sa kartadang 16-15.


Itinapik papasok ni DeAndre Jordan ang mintis ni Kyrie Irving na may 11 segundo sa orasan at sinundan ng dalawang free throw ni James Harden upang mabigo ng Brooklyn Nets ang Los Angeles Clippers, 112-108. Nagsumite ng 37 puntos si Harden at may 28 puntos si Irving. Ito na ang ika-anim na sunod na panalo ng Nets at bumalik sa ikatlong pwesto sa Western Conference ang Clippers (22-10) sa likod ng Utah Jazz (24-6).


Sa ibang mga laro, wagi ang Oklahoma City Thunder sa Cleveland Cavaliers, 117-101. Nanguna sa Thunder (12-18) si Shai Gilgeous-Alexander na may 31 puntos. Walang nagawa ang depensa kay Trae Young at binuhat niya ang Atlanta Hawks kontra sa bisitang Denver Nuggets, 123-115. Gumawa ng 35 puntos si Young.


Apat na free throw ni Alec Burks sa huling 20 segundo ang kinailangan ng New York Knicks upang maiwasan mapahiya sa kulelat na Minnesota Timberwolves, 103-99. Namuno sa ika-15 tagumpay ng Knicks sina Julius Randle na may 25 puntos. Lalong ibinaon ng Orlando Magic (13-18) ang Detroit Pistons (8-22) sa pinakailalim ng East, 105-96. Nagsumite ng double-double si Nikola Vucevic na 37 puntos.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.