Pekeng pera sa ATM, dapat mapigilan ng bangko
@Editorial | January 29, 2022
Marami ang napataas-kilay sa babala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaugnay ng perang inilalabas ng automated teller machines (ATMs).
Sang-ayon din tayo na hindi dapat problemahin ng publiko ang isang bagay na dapat nireresolba ng BSP.
Nakapagtataka naman talaga kung paano naipapasok sa ATM ang mga pekeng pera.
Dapat may sapat na mekanismo ang mga bangko upang matiyak na hindi peke ang pera ng kanilang mga kliyente.
Samantala, ipinanukala rin ng BSP ang pagkakaroon ng batas na may mabigat na parusa sa mga magpapakalat ng mga pekeng pera.
Nais nilang magkaroon ng mas matagal na pagkakakulong sa mga napatunayang nagpapakalat ng pekeng pera.
Sa kasalukuyang batas, 12 taon at P2 milyong multa ang parusa sa sinumang napatunayang nagpapakalat ng mga pekeng pera.
Mula noong 2010 hanggang 2021 ay may mahigit 12,400 piraso na mga pekeng pera ang nakumpiska ng BSP na nagkakahalaga ng P7.8 milyon.
Mayroon ding mahigit 14,300 piraso ng mga pekeng US dollars na nagkakahalaga ng $92.5 milyon.
Nararapat lang ang mas mabigat na parusa sa mga gumagawa ng pekeng pera, kasabay nito, kailangan ding maging mas matalino ang kinauukulan para hindi malusutan ng mga pasaway.



Comments