top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pekeng gamot, banta sa buhay at ekonomiya

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2022
1 min read

@Editorial | February 16, 2022



Nagiging talamak na ang pagbebenta ng mga pekeng gamot.


Kaugnay nito, nanawagan ang Food and Drugs Administration (FDA) sa mga local government units (LGUs) na magpasa ng mga sariling ordinansa na pipigil dito.


Partikular na tinukoy ng FDA ay ang pagbebenta ng mga pekeng gamot, lalo na sa mga sari-sari stores.


Tiniyak naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maglalabas ito ng memorandum na mag-aatas sa mga LGUs na magpasa ng ordinansa.


Nabahala rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkalat ng mga pekeng gamot kaya iniutos nito sa kapulisan na agad kasuhan ang mga napatunayang nagbebenta ng mga pekeng gamot.


Nakapanlulumo lang na nasa gitna na nga tayo ng pandemya, meron pa ring mga mapagsamantala.


Hindi na inisip na banta ito sa ekonomiya at higit sa lahat, sa buhay ng tao.


Kaya ang paalala sa publiko, maging maingat at bumili lang ng gamot sa mga lehitimong bilihan.


Kapag may natuklasang pagbebenta ng pekeng gamot, agad na ipagbigay-alam sa kinauukulan.


At sa ating gobyerno naman, dahil matagal at paulit-ulit na lang ang ganitong kalokohan, dapat maging mas mabagsik na ang batas laban sa mga nasa likod nito.


Walang rason para gumawa ng ilegal at ilagay sa panganib ang buhay ng sinuman. Kaya dapat na itong matigil.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page