PDP Laban kay PBBM: Magpa-hair follicle drug test ka na
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by Info @ News | November 20, 2025

Photo File: Office of the President
‘This is not a political attack. This is a constitutional requirement’
Nanawagan ang Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sumailalim sa isang transparent, independent, at medically supervised hair follicle drug test.
Kaugnay ito sa kamakailang paratang ni Senator Imee Marcos na gumagamait umano ng droga ang Pangulo.
Dagdag nila, bilang Commander-in-Chief ng bansa, ang physical at mental fitness ng Pangulo ay direktang nakakaapekto sa national security, economic decision-making, diplomatic relations, at sa stability ng bansa.
“At a time when the nation is already facing intensifying corruption scandals, worsening economic indicators, and rapidly declining public trust—the Filipino people deserve clarity, not speculation, not denials, not scripted statements,” anila.
Kung tatanggi anila ang Palasyo maaari itong mauwi sa isang “constitutional matter”. Paliwanag nila, mahalagang tugunan ng Pangulo ang anumang pagdududa dahil ang pagpayag o pagtanggi nito ay makakaapekto sa kanyang kakayahang gampanan ang mga obligasyong itinakda ng Article VII ng Konstitusyon.








Comments